Ipinatigil ng mga awtoridad ang ilegal na produksyon ng uling sa Purok 1, Barangay Palanginan, Iba, Zambales matapos humingi ng tulong ang lokal na barangay noong Disyembre 29, 2025.

Photos by MENRO Iba, Zambales 

Agad namang rumesponde ang tanggapan ng pamahalaan upang pagsabihan ang mga residente at ipatigil ang operasyon na lumalabag sa umiiral na batas.

Ayon sa RA 8749 o Philippine Clean Air Act, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog o pag-uuling sa loob ng residential areas dahil ang usok mula rito ay nagdudulot ng polusyon at panganib sa kalusugan ng mga residente.

Photos by MENRO Iba, Zambales 

Samantala, ayon sa PD 705 o Forestry Reform Code, ang paggawa ng uling ay nangangailangan ng wastong permit, at ipinagbabawal ang pagproseso ng uling kung ito ay galing sa illegal na pagputol ng kahoy o walang kaukulang permiso mula sa kinauukulan. Binigyang-diin ng tanggapan na maging responsable ang mga mamamayan, isaalang-alang ang kalusugan ng kapwa, at sumunod sa batas upang maiwasan ang abala at multa.