Pamumunuan ng bagong talagang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager na si Nicolas Torre III ang pangangasiwa sa traffic management sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga tututukan ni Torre ang pagpapaigting ng disiplina at propesyonalismo ng mga traffic enforcer at iba pang personnel na nakatalaga sa mga pangunahing kalsada sa rehiyon.

Samantala, inanunsyo ri ni MMDA Chairman Don Artes na si Torre rin ang magsisilbing opisyal na tagapagsalita ng ahensya upang magbigay ng mga update at pahayag kaugnay ng mga programa at polisiya ng MMDA.