Inihain ni House Majority Leader Sandro Marcos ang House Bill 7432, o ang panukalang batas na “No Work, No Pay for Members of Congress Act,” na naglalayong tiyakin na ang pondo ng bayan ay napupunta lamang sa tama.
Ayon sa panukala, ang sahod at benepisyo ng mga mambabatas ay ibibigay lamang kapag sila ay aktibong dumadalo sa plenaryo, committee hearings, at iba pang opisyal na tungkulin.
Layunin din ng panukala na itaguyod ang transparency, pananagutan, at integridad sa pamahalaan, habang may itinalagang parusa para sa maling pagliban at fraudulent claims.
Sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng batas na ito, masisiguro na ang mga halal na kinatawan ay tunay na nagsisilbi sa interes ng mamamayan.

















