Isang Most Wanted Person na itinalaga bilang Top 3 sa municipal level at Top 10 sa provincial at regional level ang matagumpay na naaresto ng magkakatuwang na pulis noong Pebrero 3, 2026 sa Brgy. Kapatagan Proper, Kapatagan, Lanao del Sur.

Ang pag-aresto ay isinagawa base sa nakabinbing Warrant of Arrest para sa kasong Murder na inilabas ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 12, Malabang, Lanao del Sur.

Pinangunahan ang operasyon ng Kapatagan Municipal Police Station, katuwang ang 1402nd RMFC, RMFB 14-A, at PIU LDSPPO. Ang nahuling indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kapatagan Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon bago isalin sa korte na naglabas ng warrant.

Pinuri ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang mga operating units sa matagumpay na pag-aresto ng high-ranking wanted person. Ayon sa kanya, “Ang tagumpay na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na manhunt operations at matibay na koordinasyon ng aming mga yunit sa field. Patuloy naming paiigtingin ang pagsugpo sa mga wanted persons at titiyakin na ang mga may seryosong kaso ay dadaan sa hustisya.”

Hinihikayat ng PRO BAR ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon upang mapadali ang pag-aresto sa mga wanted persons at maiwasan ang kriminalidad sa rehiyon.