Isang panel van na may kargang mga gamot ang nasangkot sa isang aksidenteng pagkakahulog sa bangin sa tapat ng Golden Gate Subdivision sa Barangay Saguing sa Makilala, North Cotabato ngayong hapon.
Ayon sa driver ng van, galing pa sila ng Midsayap upang maghatid ng gamot ng aksidenteng nawalan ito ng kontrol sa dulas sanhi ng malakas na ulan kanina.
Nang makasalubong nito ang isang trisikel at isang sasakyan ay gumewang gewang na ito at piniling ikabig ang manibela sa kabilang linya at ihulog na lamang sa bangin ang sasakyan upang di na makapandamay pa ng mga fruit stalls na malapit sa kalsada.
Milagrong walang sugat o malubhang pinsala ang driver at kasama nito kundi pasa lamang ang tinamo nito.
Pauwi na sana ng lungsod ng Digos sa Davao del Sur ang kasama ng tsuper ng maganap ang insidente.
Malaki naman ang pagpapasalamat ng may-ari ng bahay na nasa tapat kung saan nahulog ang van dahil di umabot sa kanilang tahanan ang van ngunit nasira nito ang kuntador ng tubig at mga linya ng kuryente at kable sa lugar matapos nitong kasama na masagasaan ang bakal na poste.
Nakakuha na ng report ang pulisya sa insidente at inaantay na lamang ang kasamahan ng dalawang nadisgrasya para makuga ang mga gamot na karga maging ang sasakyan na nag lulan nito.