Humihingi ng dasal para sa naging katambal nito na si Dr. Willie Ong ang dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso.

Ito ay ng matapos kamustahin ni Yorme ang dati nitong kapartner bilang Bise Presidente sa halalan ng ito ay tumakbong pangulo, taong 2022.

Sa isang FB post, sinabi ni Moreno na matapos nitong kamustahin ang doktor, nalungkot ito sabay ang panalangin para sa mabilis na paggaling ng doktor sa iniinda nitong Sarcoma.

Ani Yorme, marami ang natutulungan ng mga payong pangkalusugan ni Doc Willie at ng kanyang misis na si Doctora Liza at pinayuhan nya ito na magpakatatag sa mga pagsubok na ibinibigay ng Diyos sa kanya.

Sa huli, humingi ng taus-pusong dasal sa mamamayan ang naturang alkalde para sa paggaling ni Doc Willie Ong.