Nakaaapekto ngayon sa Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), na nagdudulot ng mga kaulapan at posibilidad ng pag-ulan sa ilang bahagi ng rehiyon.
Sa forecast ng PAGASA, inaasahang makararanas ang BARMM ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, kasama ang paminsan-minsang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na dulot pa rin ng ITCZ.
Pinapayuhan ang publiko na dapat maging alerto dahil posible ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na kung tatama ang malalakas na thunderstorms.

















