Nagsagawa ng agarang rapid damage assessment ang mga lokal na pamahalaan matapos yumanig ang magnitude 6.4 na lindol bandang alas-onse ng tanghali nitong Enero 7, 2026.

Kasunod nito, agad ring nagsagawa ng on-site inspection ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Caraga Fire Station sa kanilang nasasakupan upang masuri ang posibleng pinsala sa mga istruktura.

Sa isinagawang inspeksyon, napag-alaman na nagtamo ng malinaw na pinsala ang Senior San Lucas Chapel na matatagpuan sa Sitio Balete, Barangay Santiago, Caraga. Ayon sa BFP, naapektuhan ang istruktura ng kapilya dahil sa lakas ng lindol.

Dahil dito, idineklara ang kapilya bilang “unsafe for use,” na nangangahulugang delikado at hindi na ligtas gamitin ng mga magsisimba at mga bisita.

Patuloy ang monitoring ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang anumang posibleng aksidente.