Agad na tumugon ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias, Cavite sa pangangailangang medikal ng mga sugatan sa insidente na naganap noong June 16, 2026, kung saan isang Grade 8 student ang bigla umanong pumasok sa silid-aralan ng mga Grade 5 students at inatake ang ilang mag-aaral gamit ang kitchen knife, na ikinasugat ng pitong estudyante.
Kabilang sa ibinigay na tulong ang psychosocial first aid hindi lamang sa mga biktima kundi maging sa suspek at ilang nakasaksi.
Ayon sa mga social worker, posibleng may pinagdaraanan umanong depresyon o mental health concerns ang menor de edad na suspek, kaya’t inirekomenda ang agarang pagpapasuri at masusing assessment.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa National Center for Mental Health para sa kaukulang pagsusuri.

















