Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na muling na-energize ang lahat ng linya nito dakong alas-1:30 ng hapon kasunod ng isinagawang maintenance activities.
Batay sa pinakahuling abiso, kasalukuyan nang isinasagawa ang gradual loading activities at sunod-sunod nang ibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang substations kabilang ang Salimbao, Malagapas, at Sinsuat substations.
Ayon sa abiso, isasagawa nang paunti-unti ang restoration process upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng power system habang nagpapatuloy ang normalisasyon ng operasyon.
Samantala, patuloy namang hinihiling ng mga kinauukulan ang pang-unawa at pasensya ng mga consumer na naapektuhan ng malawakang power interruption.

















