Kaagad na nahuli ng Cotabato City Police Station 3 ang isang lalaking lasenggo at umano’y nasa impluwensya ng ilegal na droga matapos nitong saksakin ang kainuman sa Cynthia Village, Brgy. Tamontaka 2, Cotabato City, bandang alas-12 ng hating gabi kanina.
Kinilala ang suspek bilang sa alyas na “Ben”, 31 anyos, residente ng nasabing lugar. Ang biktima naman ay si “John”, 24 anyos, taga-Sousa St., Brgy. RH 13, Cotabato City.
Ayon sa ulat, nag-iinuman lamang ang dalawa nang biglang saksakin ni Cornelio sa likod ang biktima. Tumakas ang suspek ngunit agad na hinanap ng mga residente at kalaunan ay nadakip at itinurn-over sa pulisya.
Kasalukuyang nasa custodial facility ng PNP Station 3 ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso ng frustrated murder.

















