Arestado sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Parang MPS, Provincial Mobile Force Company, at Police Regional Office – BAR ang isang babae matapos maaktuhang nagpapataya ng last two sa bahagi ng Poblacion 2, Parang, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang suspect sa alyas na Aida, 23 anyos, residente din ng nasabing lugar.

Nakapiit na sa ngayon ang suspek sa lock-up cell ng Parang MPS.