Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa isang kainan sa Doña Theresa St., Poblacion 4, Cotabato City.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Edgardo Magsala, mayroong asawa, nagtatrabaho sa patuloy na tinatayong KCC mall of Cotabato City at residente ng lungsod ng Cebu.

Ang biktima ay napuruhan matapos na tamaan ito ng bala sa kaniyang iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa naging imbestigasyon ng kapulisan, maliban sa suspek sa krimen na si Fahad ay may dalawa pa itong kasamahan upang magawa ang pamamaril.

Nagawa pang isugod sa bahay pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay kaya ideneklara itong dead on arrival ng attending physician.

Sa nagpapatuloy na imbestigasyon, love triangle o personal grudge ang nakikitang dahilan ng pamamaril-patay sa biktima at kasalukuyan paring pinaghahanap ng kapulisan ang mga suspek sa nasabing krimen upang masampahan ng kaukulang kaso.