Nakipagpulong kamakailan si Bangsamoro Board of Investments (BBOI) Chairperson Mohamad Omar Pasigan sa Indonesian Chamber of Commerce and Industry upang talakayin ang posibleng pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan at mga partnership sa pamumuhunan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga potensyal na larangan ng kooperasyon sa pagitan ng mga negosyong Indonesian at Bangsamoro region, partikular sa mga prayoridad na sektor na maaaring magpasigla ng ekonomiya at lumikha ng trabaho.
Ipinresenta rin sa naturang pagtitipon ang mga investment incentives ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), gayundin ang estratehikong lokasyon nito at mga bagong oportunidad para sa negosyo.
Ayon sa BBOI, layunin ng ganitong mga engagement na palawakin pa ang interes ng mga dayuhang mamumuhunan sa rehiyon.
















