Inaasahang makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa epekto ng ekstensyon ng Low Pressure Area (LPA).

Batay sa weather synopsis, bandang alas-3:00 ng madaling araw ay namataan ang LPA sa layong humigit-kumulang 795 kilometro silangan ng General Santos City.

Ayon sa ulat, ang trough o malawak na epekto ng LPA ang inaasahang magdadala ng pag-ulan sa rehiyon.

Nagbabala ang mga otoridad na posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na maging alerto at sumubaybay sa mga susunod na update ng weather forecast, lalo na sa mga lugar na matataas ang panganib sa pagbaha at landslide.