Hindi na halos makilala ang itsura ng hi-ace na van matapos na makabanggaan nito ang truck na may dalang tubo sa tulay ng Pangantucan, Bukidnon kahapon ng hapon, December 19.

Tumilapon na parang mga papel ang mga bangkay ng mga pasahero sa ilog at bumaliktad ang truck matapos na magtumbukan o head-on collision ang dalawang mga sasakyan at halos mahulog naman ang yupi-yuping van sa pinangyarihan ng banggaan.

Pinaniniwalaang patay ang lahat ng pasahero maging ang driver ng naturang van dahil sa naganap na banggaan habang di pa batid ang pagkakakilanlan ng mga nasawing pasahero.

Nagsasagawa na ng malalim na imbestigasyon ang mga autoridad sa pangyayari.