Patay ang magama at tatlo ang kririkal matapos na mabangga ng van ang kanilang sinasakyang payong-payong sa Datu Anggal Midtimbang Maguindanao Sur.

Kinilala ang mga nasawi na magama na sina Mustapha Dalandan, 25 at Moharis, 6 samantalang kritikal naman ang kinalalagyan ng magiina nito na sina Baimen Dalandan, 24, Sitie Hawa, 8 at Haipa, 4 anyos na pawang residente ng nabanggit na bayan.

Kinumpirma ni DAM MPS Chief Lt. Salonga Langguyan ang nakalulungkot na pangyayari. Sinabi ng hepe na pasado alas singko ng hapon kahapon, araw ng Lunes ng naganap ang imsidente sa bahagi ng national Highway ng Barangay Adaon kung saan nasalpok ng pampasaherong van na galing sa siyudad ng Cotabato ang tumatawid na payong-payong na sinasakyan ng pamilya.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima sa kalsada. Samantala, nasa kustodiya na ng DAM Municipal Police Station ang driver ng van na si Khadafie Guiamaludin upang papanagutin ito sa mga danyos at kaso.