Hustisya ngayon ang sigaw ng mga kamaganak, kaibigan at maging mga kabanayan ng magasawang biktima ng pamamaril patay kahapon sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao Del Sur.

Ang magasawa ay kinilalanh sina Soliven at ang misis nito na Noraida Salacub na residente ng Barangay Fort Pikit, SGA-BARMM.

Galing umano ang ang mag-asawang negosyante sa bayan ng Pikit at patungo sa Kidapawan ng buntutan ng mga suspek ang kanilang NMAX na motorsiklo at binaril sila ng malapitan sanhi upang magtamo sila ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng Barangay ngunit mabilis na tumakas ang mga namaril sa magasawa.

Nawawala din ang sling bag ng misis ni Soliven na naglalaman ng pera at mga gamit.

Sa ngayon masinsinang imbestigasyon na ang isinasagawa ng Datu Montawal PNP upang mahuli agad ang suspek at malaman ang motibo sa paggawa ng krimen.