Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng General Salipada K. Pendatun nitong Sabado ng gabi, Mayo 16.
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang lindol dakong alas-7:25 ng gabi sa layong apat na kilometro hilagang-kanluran ng naturang bayan at may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Intensity IV sa Lutayan habang Intensity III naman sa Palimbang.
Naramdaman din ang Intensity II sa Magpet, Kidapawan City, at Antipas.
Sa instrumental intensities, naitala ang Intensity V sa M’lang at President Quirino.
Samantala, Intensity IV naman ang naitala sa ilang lugar kabilang ang President Roxas, Carmen, Malungon, Tampakan, Koronadal City, Tupi, Banga, Tantangan, Isulan, Esperanza, at Columbio.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang tsunami dahil sa naturang lindol ngunit posibleng magkaroon ng aftershocks sa mga susunod na oras o araw.

















