Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental at mga karatig-lugar madaling-araw ngayong Biyernes, Agosto 28.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lindol alas-2:43 ng madaling-araw, na may lalim na 10 kilometro.
Natukoy ang epicenter nito 64 kilometro timog-silangan ng Sarangani Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Naitala ang Instrumental Intensity Three sa Malapatan, Sarangani, habang Intensity Two naman sa Digos City, Davao del Sur at Tupi, South Cotabato.
Samantala, Intensity One ang naitala sa Santa Maria, Davao Occidental, Kiamba, Sarangani at Matanao, Davao del Sur.
Wala namang inilabas na ulat tungkol sa pinsala o nasugatan kaugnay ng lindol.

















