Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bahagi ng Batanes at iba pang lugar alas-12:22 ng tanghali ngayong Agosto 19, 2026.
Ayon sa earthquake information ng PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol ay 144 kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.
May lalim itong 10 kilometro.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Claveria, Cagayan at Bacarra, Ilocos Norte.
Patuloy namang inaabangan ang iba pang impormasyon kaugnay ng lindol mula sa mga awtoridad.

















