Siyam (9) na mga alkalde, mga bise alkalde at mga Sangguniang Panlalawigan Members o Bokal ng Maguindanao del Norte ang tuluyan nang umanib sa Partido Federal ng Pilipinas o PFP.

Ginanap ang oath taking kahapon, Agosto 12 sa siyudad ng Koronadal.

Pinangunahan mismo ng pangulo ng PFP at gobernador ng South Cotabato Jun Tamayo ang panunumpa.

Dumalo naman sa panunumpa at nagpakita ng all out support ang gobernador ng lalawigan na si Gov. Sammy Gambar Macacua, Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at iba pa kabilang na din ang mga opisyales ng PFP sa Maguindanao.

Ayon kay Tamayo, tuloy tuloy ang pagpapalakas ng PFP sa ibat ibang bahagi ng bansa at ito ay alinsunod sa direktiba at direksyon ng Pangulong Bongbong Marcos na syang tagapangulo ng partido.