Binaha ang dalawang barangay sa Maguindanao del Norte ngayong araw ng Miyerkules.

Base sa tala, naiulat ang mga pagbaha sa dalawang barangay sa dalawang bayan ng probinsya partikular na sa Macasandag sa bayan ng Parang at Campo 1 sa bayan naman ng Matanog.

Isa ang sugatan at tatlong bata at isang matanda ang nawawala habang isa naman ang naiulat na retrieved.

Nagilikas naman sa dalawang barangay ang higit kumulang sa isandaang pamilya tungo sa ligtas na lugar.

Samantala, dispatched na rin ang mga available assets at personahe na reresponde sa oras ng pangangailangan tulad ng ambulansya, firetruck at iba pa.