Mahigit 1,100 miyembro ng Field Guard Base Command sa ilalim ng MILF–Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) National Guard Front ang pormal nang nanumpa bilang mga bagong kasapi ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) sa isinagawang General Assembly at Oath-Taking Ceremony sa Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha nitong Mayo 31, 2026.
Umabot sa kabuuang 1,117 miyembro at opisyal ang dumalo sa naturang aktibidad, na pinangunahan ni Base Commander at 24th Nominee Jurin “George” Kasim.
Ayon sa mga organizer, ipinakita ng malawakang panunumpa ang patuloy na paglawak ng hanay at lumalakas na suporta para sa Bangsamoro Federalist Party, kabilang ang pagsusulong ng pagkakaisa, responsableng pamamahala, at mas pinaigting na serbisyo para sa mamamayang Bangsamoro.
Itinuturing din ang aktibidad bilang bahagi ng pagpapalawak ng suporta at political engagement ng mga komunidad sa rehiyon sa gitna ng paghahanda para sa nalalapit na demokratikong proseso sa Bangsamoro.

















