Naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA para sa Cotabato City nitong alas-5:10 ng hapon ng Mayo 17, 2026.‎‎

Batay sa advisory na ilibasan sa Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office, inaasahan ang mahina hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog, pagkidlat, at malalakas na hangin sa loob ng isa hanggang dalawang oras.‎‎

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng epekto ng sama ng panahon kabilang ang flash floods at landslides lalo na sa mga mabababang lugar at flood-prone areas.‎‎

Pinapayuhan naman ang publiko na magsagawa ng kinakailangang pag-iingat at patuloy na subaybayan ang mga susunod pang weather updates mula sa mga awtoridad.‎