Pinalakas ng 2nd Mechanized Infantry o MAKASAG Battalion ng Philippine Army ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na lider at peace partners sa Maguindanao del Sur matapos ang unang regular Bangsamoro Parliamentary Elections noong Setyembre 14.
Noong Setyembre 21 hanggang 22, nagsagawa ng serye ng post-election dialogues ang pamunuan ng batalyon kasama ang mga kinatawan ng local government units, MILF, MNLF-BAF at iba pang stakeholders.
Tinalakay sa mga pagpupulong ang post-election peace and security situation, mga obserbasyon sa panahon ng halalan, at kahalagahan ng tuloy-tuloy na komunikasyon at koordinasyon upang matugunan ang mga concern at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Muling pinagtibay ng mga stakeholders ang pagpapatuloy ng community engagement at peacebuilding initiatives bilang suporta sa democratic transition sa Bangsamoro.
Ayon sa Philippine Army, mananatiling nakikipagtulungan ang MAKASAG Battalion sa mga peace partners para mapanatili ang katatagan at seguridad sa mga komunidad sa Maguindanao del Sur.

















