Apektado ng Easterlies ang Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, kung saan inaasahan ang maulap na papawirin na may kasamang pulu-pulong pag-ulan at thunderstorms.

Sa Sorsogon, Northern at Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte, inaasahan ang mas maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorm activity na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, mararanasan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may isolated rainshowers o thunderstorms, kung saan posible pa rin ang flash floods at landslides tuwing may malalakas na thunderstorm.

Patuloy ang paalala sa publiko na maging alerto sa biglaang pag-ulan at posibleng epekto nito sa mga apektadong lugar.