Maraming bagay ang maliit pero masarap.
Gaya na lang ng prutas na sarisa, na kilala rin bilang aratiles o Kerson Fruit sa English.
Ayon kay Dr. Paul Haider, isang Spiritual Teacher at Master Herbalist, ang sarisa ay nakatutulong sa pagpapababa ng blood sugar, nakakaiwas sa cancer, nakapagpo-promote ng kalusugan sa puso, nagpapababa ng blood pressure, at nakakapigil din sa pananakit ng katawan.
Taglay ng sarisa ang fiber, tubig, carbohydrates, at protein para sa malakas na kalamnan; calcium at phosphorus para sa matibay na buto; iron para labanan ang anemia; at B-Vitamins para sa sigla at magandang mood.
Mayaman din ito sa Vitamin C, isang mabisang antioxidant na tumutulong laban sa trangkaso.
Bukod sa prutas, ang dahon nito ay maaaring gawing tsaa at nakakatulong din sa pagpapababa ng blood pressure dahil naglalaman ito ng nitric oxide na nagpapakalma sa mga ugat ng dugo kaya’t mas bumubuti ang daloy ng dugo.
Kaya ano pang hinihintay mo? Kumain ka na ng sarisa!