Aktibong nakibahagi si Bangsamoro Parliament Member Atty. Suharto “Teng” Ambolodto, MNSA sa katatapos na Regional Consultation on the Bangsamoro Maritime Security and Law Enforcement Coordination Mechanism, na layong palakasin ang seguridad at pagpapatupad ng batas sa maritime domain ng Bangsamoro region.

Pinangunahan ang konsultasyon ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Bangsamoro Attorney General’s Office (BAGO), katuwang ang iba’t ibang regional agencies tulad ng MENRE, MILG, MAFAR, Philippine Coast Guard-BARMM, First Marine Brigade, PRO-BAR, PDEA-BAR at MOTC-BMARINA.

Ayon kay MP Ambolodto, malaki ang potensyal ng Bangsamoro maritime domain dahil sa yaman nitong yamang-dagat at mahalagang lokasyon para sa pandaigdigang kalakalan at komersyo. Gayunpaman, binigyang-diin niya na nahaharap ito sa seryosong hamon tulad ng pagkasira ng kalikasan at kakulangan sa koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya.

Giit ni Ambolodto, ang epektibong Bangsamoro Maritime Governance ay nangangailangan ng malinaw na direksyon, sapat na pondo, political will, at pagkakaisa ng lahat ng institusyon upang maisakatuparan ang kolektibong pangakong magtatag ng ligtas at matatag na maritime zone para sa rehiyon.