Nagpahayag ng pagkilala si Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao kay Mother Tamontaka Barangay Chairman Mohammad Zawawi “Datu Wawi” Sema na nasugatan habang tumutulong sa hot pursuit operation ng mga awtoridad ngayong hapon.
Ayon sa alkalde, pinili ni Barangay Chairman Sema na umalalay sa kapulisan at tumindig para sa kaligtasan ng kanyang komunidad sa kabila ng panganib.
Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng pagiging alerto, responsable at handang makipagtulungan ng mga barangay leader sa mga awtoridad sa oras ng pangangailangan.
Nagpaabot din si Mayor Matabalao ng pagkilala sa mga police officer na patuloy na humaharap sa panganib upang mapanatili ang seguridad sa Cotabato City.
Kasabay nito, ipinagdasal ng alkalde ang mabilis at ganap na paggaling ni Sema at tiniyak ang suporta ng lungsod sa kanya at sa kanyang pamilya.

















