Hinimok ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua si MBHTE Minister Mohagher Iqbal na magbitiw sa puwesto kasunod ng mga audit observations ng COA na umaabot sa P2.2 bilyon, ngunit tumanggi si Iqbal at iginiit ang due process.

Nag-ugat ang panawagan sa isang liham mula sa Office of the Chief Minister na nagdetalye ng mga findings ng COA hinggil sa procurement at disbursement transactions ng MBHTE.

Binigyang-diin ni Macacua na maaaring maapektuhan ang kredibilidad ng Bangsamoro government at MILF, at idiniin ang kahalagahan ng accountability at moral governance.

Sa kaniyang tugon, iginiit ni Iqbal na preliminary findings pa lamang ang inilabas ng COA at wala pang pormal na kasong kriminal o administratibo laban sa kaniya.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng due process at presumption of innocence, at sinabing ang pagbibitiw ay maaaring ituring na pag-amin ng pagkakasala.

Wala pa ring opisyal na pahayag ang Commission on Audit kaugnay sa kumakalat na liham at sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng MBHTE.