Muli na namang ibinaba sa komunidad na lebel ang Medical Outreach Program na inorganisa ng Datu Odin Sinsuat LGU sa pamumuno ni Mayor Datu Lester Sinsuat.
Daan daang residente ng bayan partikular na sa Barangay Semva ang nahandugan ng mga libreng serbisyo at may iba pang mga nakatanggap ng bisikleta, pangkabuhayan showcase maging sari sari starter kit at alagang kanding.
Mahigit dalawang daan naman na mga taga Barangay Semba ang nakabenepisyo sa libreng pagpapagamot at gamot sa programang Clinic on Wheels ng alkalde katuwang ang IPHO Maguindanao at ng RHU DOS.
Bukod sa mga nasabing handog, namahagi din sa mga kabataan ng libreng laruan at pagkain maging eyeglasses naman para sa mga may katandaan na ang TIYAKAP DLS Foundation ni One Maguindanao Elected VGov Ainee Sinsuat.
Naging matagumpay ang nasabing proyekto at tiyak na mauulit pa ito sa iba pang mga barangay sa nasabing bayan.