Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong Cotabato City Youth Officials para sa taong 2026 sa pangunguna ni Mayor Bruce Matabalao.
Isinagawa ang panunumpa nitong Lunes sa lingguhang convocation ng pamahalaang lungsod, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cotabato City Youth Officials Week na inorganisa ng Rotary Club of the East 2026.
Layunin ng programa na mabigyan ang mga kabataan ng pagkakataong matuto tungkol sa pamamahala at pamumuno sa pamamagitan ng pagmamasid at aktuwal na pagganap sa mga responsibilidad sa pamahalaang lungsod.

















