Sa pagpapaigting ng kampanya ng militar at ng JTF Central kabilang na ang Joint Normalization Committee at ng iba pang sangay ng gobyerno kontra loose firearms o mga di lisensyadong armas, nagbunga ito ng panibagong pagsuko ng labinlima (15) na armas pandigma sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Isinuko ang mga ito sa tanggapan ng 2nd Mechanized Battalion sa pangunguna ni Lt. Col Jerome Peñalosa at ito ay nagmula sa labinlima (15) na barangay sa bayan ng Talayan na kinabibilangan ng ibat ibang uri ng malalakas na armas pandigma.
Ipinrisenta naman kay BGen. Oriel Libres Pangcog, 601st IB Commander ang mga di lisensyado na armas sa isang programa sa Talayan Municipal Training Center kung saan dinaluhan ito ng mga lokal na opisyales ng Talayan, barangay maging ang pulisya.
Maliban pa rito, nagkaroon ng info and education campaign sa naturang kampanya kontra ilegal na armas ang 2MB sa mga mamamayan ng bayan upang maintindihan ang kabutihang dinudulot ng nasabing programa.