Isa sa mga patuloy na tinututukan ng 6th ID ng Militar ay ang problema sa mga di lisensyadong baril o loose firearms sa kanilang sakop na lugar.
Ito ay dahil nagagamit ang mga ito sa horizontal conflicts at iba pang mga kaguluhan na nadadamay ang mga sibilyan.
Dahil dito, tiniyak ng 6th ID sa pangunguna ni Division Commander at JTF Central Chief MGen. Antonio Nafarette na may military intervention sa mga lugar maging ang pagkumpiska sa mga armas ng mga MILF members na sangkot sa bakbakan lalo na ang mga di pa nadedecommission.
Patuloy din aniya ang kanilang talastasan sa mga MILF commanders upang solusyunan ang mga kaso ng rido. Nitong mga nakalipas na linggo kasi, ayon kay Nafarette ay wala nang naitatalang mga kaso ng rido. Ito ay kasunod ng military operations sa ilang mga bayan ng Sultan Kudarat kung saan nakumpiska ng militar ang maraming loose firearms mula sa mga sangkot na MILF groups.