Nakatanggap ng tig-isang sako ng bigas ang ilang habal-habal at payong-payong drivers mula sa tanggapan ni Member of Parliament at BARMM Chief Minister Abduraof Macacua bilang ayuda sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Batay sa inilabas na impormasyon ng opisina ng mambabatas, ang mga nabigyan ay ang mga driver na araw-araw na bumibiyahe at naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Ayon sa tanggapan ni Macacua, layunin ng programa na makapagbigay ng pansamantalang suporta sa sektor ng transportasyon na kabilang sa mga apektado ng mataas na presyo ng gasolina at langis.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang ilang benepisyaryo sa natanggap na tulong na inaasahan nilang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.