Naghain na ng kandidatura kahapon sa COMELEC Maguindanao Del Norte Provincial Office sina Sultan Kudarat Town Mayor Datu Tucao Mastura at si Incumbent Maguindanao Del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Si Datu Tucao ay lalaban sa pagkagubernador ng probinsya habang si Bai Dimple naman ay sasabak muli para sa pagiging kongresista ng probinsya at lungsod.
Daan-daang taga suporta at mga tagapagtangkilik naman ang dumalo sa SKCC sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City upang saksihan ang nasabing filing.
Kasama ni Bai Dimple ang kabiyak nito na si Sultan Kudarat Town Vice Mayor Datu Shameem Mastura. Si Datu Tucao ay tatakbo sa ilalim ng partidong UBJP na may alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas at si Bai Dimple naman ay sa LAKAS CMD.