Bukas, araw ng Martes Hulyo 9,2024 na ilalabas ng Bangsamoro Government ang mga pangalan ng magiging OIC Mayor, Vice Mayor at Councilors sa walong mga Municipyo sa Special Geographic Area o SGA-BARMM.

Ito ang kinumpirma ni BARMM spokesperson at Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun ngayong gabi sa isang panayam.

Gagawin naman sa July 13, 2024 ang oath taking ng mga SGA OIC Officials.

Sinabi rin ni Pendatun na tatlo na ang nag back-out dahil ito ay hindi umaayon sa kanilang inaaplayang o nagustuhang pwesto.