Nasa Malacañang ngayong araw sina BARMM Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua at MBTE Minister Mahagher Iqbal, kasama ang iba pang matataas na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kung saan nakipag-usap sila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang nasabing pulong ay ginanap kasabay ng pagpirma ng Petroleum Service Contracts sa pagitan ng Department of Energy (DOE) at Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE-BARMM) para sa oil at gas exploration sa Mapun, Tawi-Tawi.

Itinuturing itong makasaysayang sandali para sa Bangsamoro dahil magsisilbi itong panibagong yugto sa pagtutulungan ng pambansang pamahalaan at ng Bangsamoro Government tungo sa energy security, inclusive progress, at mas matatag na awtonomiya.

Ayon sa mga opisyal ng BARMM, ang kasunduang ito ay patunay ng kanilang paninindigan sa moral governance, responsible stewardship, at sa patuloy na paghahangad ng kapayapaan at kaunlaran para sa mga mamamayan ng rehiyon.

“Together, we move forward with hope and determination—ensuring that every resource we harness uplifts our people, strengthens our autonomy, and secures a peaceful and #MasMatatagnaBangsamoro.” pahayag ni Chief Minister Macacua.