Mas naghigpit pa sa seguridad ang mga otoridad sa lahat ng mga pumapasok at may transaksyon sa loob ng Bangsamoro Government Center compound.
Maliban sa mga ID, nirerekisa din nito ang mga dokumentong dala ng mga papasok upang matukoy kung sila nga ay empleyado o kliyente ng alin man sa mga opisina o mga tanggapan na nasa BGC.
Samantala, may mga nakabantay naman na Crowd Disturbance Personnel ang PNP sa entrada ng SKCC at BGC.
Tatlong tangke de giera naman ang nakapwesto sa loob at labas ng BGC compound na mula sa Philippine Marines. Isa isa namang nirerekisa para inspeksyonin ng mga kasapi ng Marines ang mga sasakyang nadaan at papasok sa compound.
Magugunita na nagsimula kahapon ang naturang paghihigpit sa lugar kasabay ng isang linggong Certificate of Candidacy o COC Filing mula kahapon, Oktubre 1 hanggang sa Oktubre 8, araw ng Martes.