Pinag-iingat ang mga residente ng Basilan sa BARMM at Palawan sa Luzon dahil sa Long March 8A rocket launch na isinagawa ng Tsina noong Pebrero 11.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), nakatakda sanang ilunsad ang rocket noong Enero 25 ngunit ipinagpaliban ito ng Tsina sa Pebrero 11.

May tatlong drop zones ang rocket, kabilang ang Hadji Muhtamad sa Basilan at Puerto Princesa City sa Palawan, kung saan maaaring bumagsak ang fragments o debris nito.

Nagbabala rin ang OCD sa publiko na huwag lalapitan o hahawakan ang anumang debris na mahulog, dahil posibleng naglalaman ito ng mapanganib at nakalalasong kemikal.