Tinalakay ang mga hakbang para sa wastong pamamahala ng basura at pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad sa isinagawang programa at konsultasyon sa Barangay Poblacion 1, Cotabato City.
Pinangunahan ito ng City Cooperative Office sa pakikipagtulungan sa United Nations Development Programme o UNDP, sa ilalim ng EU-PH Green Economy Partnership.
Sa temang “How can we build a circular economy for all?”, nakatuon ang aktibidad sa paghahanap ng mga paraan upang mabawasan ang polusyon sa mga kanal at mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Nakiisa sa workshop ang mga residente at kinatawan ng barangay upang magbahagi ng kanilang mga mungkahi at posibleng hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng komunidad.
Bahagi ang inisyatibang ito ng pagsusulong ng pamahalaang lungsod at European Union o EU ng mga programang pangkalikasan na nakatuon sa pangmatagalang kaunlaran ng mga komunidad sa bansa.

















