‎‎Inaasahang libu-libong miyembro at supporters ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang lalahok sa isang “Emergency Rally” na nakatakdang isagawa bukas, Mayo 18, sa ORC Compound sa harap ng Bangsamoro Government Center.‎‎

Batay sa kumakalat na paanyaya online, inaanyayahan ng MILF ang mga miyembro ng MILF/BIAF, supporters, at iba pang nais makiisa sa naturang aktibidad.‎‎

Ayon sa anunsyo, alas-6:00 ng umaga magsasagawa ng assembly sa Sayre Highway malapit sa Academy bago magtungo ang mga kalahok sa venue ng programa.‎‎

Hindi naman tinukoy sa inilabas na paanyaya ang eksaktong layunin ng emergency rally.‎‎

Samantala, hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga kinauukulan kung may mapapansing anumang banta sa seguridad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.‎