Maglulunsad ang Ministry of Public Order and Safety (MPOS)-BARMM, katuwang ang PRO-BAR at Regional Civil Security Unit-BAR, ng one-stop shop para sa pagproseso at pag-renew ng mga lisensya ng baril sa Cotabato City sa Oktubre 19 hanggang 22, 2026.
Gaganapin ang aktibidad sa Session Hall ng People’s Palace at bukas sa mga bagong aplikante at magre-renew ng License to Own and Possess Firearms o LTOPF at firearm license.
Kabilang sa mga serbisyong iaalok ang renewal ng mga lisensya, gun safety seminar, National Police Clearance, notary public services, neuropsychiatric examination at drug testing.
Pinapayuhan ang mga aplikante na ihanda ang mga kinakailangang dokumento, clearance at iba pang requirement, habang may kaukulang bayad ang mga serbisyong kanilang kukunin.
Layunin ng aktibidad na mapadali ang pag-access sa mga serbisyo para sa paglilisensya at pagpaparehistro ng baril sa rehiyon.

















