India at ilang bansa sa Asya, kabilang ang Thailand, Nepal, at Taiwan, ay nagpatupad muli ng health screening sa mga paliparan, gaya ng COVID-19 protocols, kasunod ng kumpirmadong kaso ng Nipah virus sa West Bengal, India. Ayon sa mga awtoridad, limang katao ang nahawaan, kabilang ang dalawang nars na nagtatrabaho sa parehong pribadong ospital, kung saan isa ay nasa kritikal na kondisyon.

Ang Nipah virus ay nagdudulot ng biglaang lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, pagkapagod, at minsan ay sintomas sa paghinga tulad ng ubo at hirap sa paghinga. Pinakamapanganib dito ang neurological complication na encephalitis o pamamaga ng utak, na maaaring magdulot ng pagkakagulo ng isip, seizure, o coma. Ang incubation period ng virus ay 4 hanggang 21 araw, habang ang seryosong sintomas sa utak ay kadalasang lumilitaw ilang araw hanggang linggo matapos magsimula ang karamdaman.

Sa kasalukuyan, mahigit 100 katao na ang naka-quarantine sa India bilang pag-iingat, at ang mga paliparan sa rehiyon ay nagpatupad ng temperature checks, mandatory masking, at social distancing upang pigilan ang pagkalat ng virus. Wala pang lunas ang Nipah virus, kaya’t mataas ang alert level ng mga health officials sa buong mundo.