Nakipagpulong si Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo Jr. sa United Nations Development Programme (UNDP) noong Marso 9 upang talakayin ang suporta sa pagpapatuloy ng Bangsamoro Peace Process.

Bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on the Coordination of the Moro Normalization (ICCMN), binigyang-diin ni Lagdameo ang pangangailangang i-align ang teknikal at pinansyal na tulong ng UNDP sa mga priority deliverables ng ICCMN. Kasama rin sa pulong ang mga opisyal mula sa OSAP at OPAPRU upang masuri ang koordinasyon at implementasyon ng mga proyekto para sa BARMM.

Ayon sa ulat, layunin ng pagpupulong na tiyakin na ang internasyonal na suporta ay nakatutok sa mga planong pambansa at nakakatulong sa normalization efforts, peace-building, at stabilisasyon ng BARMM.