‎‎Personal na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng isang national assistance program sa Koronadal City, South Cotabato bilang bahagi ng mga hakbang ng pambansang pamahalaan upang maihatid ang mga programa at serbisyo sa mga lokal na komunidad.

‎‎Kasama ng Pangulo sa aktibidad si Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo Jr. na nakibahagi sa koordinasyon ng pamamahagi ng tulong at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.‎‎

Sa naturang programa, inilunsad ang inisyatibang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” na naglalayong magbigay ng direktang suporta sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga prayoridad na proyekto at programa.‎‎

Bilang bahagi ng aktibidad, ipinagkaloob ang P96 milyong Socio-Civic Projects Fund para sa lalawigan ng South Cotabato at P40 milyon naman para sa Cotabato Province.

Ayon sa mga opisyal, gagamitin ang mga pondong ito para sa iba’t ibang programang makikinabang ang mga lokal na komunidad.‎‎

Kasabay nito, binigyang-diin ng pambansang pamahalaan ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga programang pangkaunlaran at serbisyong pampubliko sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Layunin din umano ng inisyatiba na mapalakas ang suporta sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mas mabilis na pagdaloy ng pondo para sa mga prayoridad na proyekto.

‎‎Samantala, sinabi ng mga opisyal na patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programang nakalaan para sa kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon.‎