Arestado ang 31-anyos na mekaniko matapos makumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P347,000 sa isang buy-bust operation sa Barangay Tinagacan, General Santos City, bandang alas-6:35 ng gabi, kahapon Oktubre 13.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Mad,” residente ng nasabing barangay.
Ayon sa Police Regional Office 12, umabot sa 51.123 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P347,636.40.
Isinagawa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency 12 at iba pang police units.
Nasa kustodiya na ng Police Station 8 ng General Santos City Police Office ang suspek habang inihahanda ang kaukulang reklamo.

















