Apat na milyong pisong halaga ng smuggled o puslit na sigarilyo ang nakumpiska sa isang suspek ng kapulisan sa Sitio Abacanhan, Barangay Cabaruyan sa bayan ng Libungan, North Cotabato.
Nanguna sa operasyon ang Libungan PNP katuwang naman nito ang iba pang mga tropa ng kapulisan. Nasa kustodiya na ng Libungan Police ang mga puslit na yosi at nakatakdang kasuhan ng mga paglabag ang nasabing suspek na di na pinangalanan ng Libungan PNP.