Makatatanggap ng P50 na dagdag sa arawang minimum na sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa inilabas na impormasyon, ang naturang dagdag-sahod ay ipatutupad sa dalawang yugto (two tranches). Ang unang P25 na dagdag sa basic wage ay magiging epektibo sa Agosto, habang ang ikalawang P25 na dagdag ay ipatutupad naman simula Disyembre 1, 2026.
Sa kabuuan, aabot sa P50 kada araw ang itataas sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa rehiyon.
Ang nasabing wage increase ay ipinatutupad sa ilalim ng Republic Act No. 6727 at Bangsamoro Autonomy Act No. 13.

















